3 patay, 1 sugatan at 1 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Calabarzon

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 22, 2018 - 10:55 AM

Police banner

Tatlo ang patay sa magkakahiwalay na insidente ng operasyon ng mga pulis na nauwi sa engwentro sa Laguna at Rizal.

Sa Barangay Marinig, Cabuyao City, Laguna, nasawi si Mark Monty Soriano makaraang manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad alas 3:30 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Calabarzon Region Police Office, binentahan ni Soriano ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer pero nanlaban ito nang siya ay aarestuhin na ng mga otoridad.

Nakuha mula kay Soriano ang 38 caliber na baril.

Samantala, sa Binangonan Rizal, patay ang suspek na si Renato Certeza sa ikinasa ring anti-illegal drugs operation ng mga pulis.

Si Certeza ay miyembro umano ng Certeza Group na nag-ooperate sa Binangonan at mga kalapit na bayan sa Rizal.

Samantala, sa Barangay Marawoy, sa Lipa City, Batangas, arestado ang drug suspect na si Roldan de Castro habang nakatakas naman ang dalawang hindi nakilalang kasamahan nito.

Ayon sa mga otoridad, nagpaputok pa si De Castro at tinamaan nito ang isang Ronel Nopera na nakatambay lang sa lugar. Agad namang isinugod sa ospital si Napera.

Sa Batangas pa rin, patay ang isang hindi pa nakikilang drug suspect sa shootout na naganap sa bayan ng Malvar.

Una nang nagreklamo sa mga pulis ang biktimang si Ruel Mata makaraang tangayin umano ng dalawang lalaki ang kaniyang motorsiklo.

Nang magsagawa ng follow up operation ang mga pulis ay nakita ang motorsiklo ni Mata habang minamaneho ng suspek.

Nang sitahin ay binarily ng suspek ang mga pulis dahilan para gantihan siya ng putok ng mga ito na kaniyang ikinasawi.

TAGS: anti illegal drugs operation, Batangas, laguna, Rizal, War on drugs, anti illegal drugs operation, Batangas, laguna, Rizal, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.