MMDA kakausapin ni Pangulong Duterte sa isyu ng traffic sa Metro Manila
Nakatakdang makipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ayon mismo kay MMDA Chairman Danilo Lim.
Ayon kay Lim, ito ay upang pag-usapan ang mga komprehensibong plano ng ahensya para resolbahin ang problema sa trapiko kabilang na ang ban sa driver-only vehicles sa EDSA.
Gayunman ay hindi pa tiyak ang petsa ng pulong ng MMDA at ng presidente.
Samantala, sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia na nakipag-ugnayan na si Lim kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go tungkol sa nasabing pulong.
Ang pahayag na ito ng MMDA ay matapos ipagpaliban ang full implementation ng ban sa driver-only vehicles sa EDSA kasunod ng resolusyon ng Senado na ihinto ito.
Nagpatupad na rin ang ahensya ng provincial bus ban tuwing rush hours para makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.