Bong Revilla posibleng patakbuhin bilang senador sa 2019 — Lakas-CMD
Plano ng Lakas-CMD na magpatakbo ng dalawa hanggang tatlong kandidato para sa pagkasenador sa susunod na taon.
Ayon kay House Deputy Speaker Prospero Pichay na tumatayo ring vice president ng partido, kabilang sa kanilang planong patakbuhin sina dating Senador Bong Revilla at dating Leyte Representative Martin Romualdez.
Paliwanag ni Pichay, maaari pa rin namang kumandidato si Revilla kahit na ito ay may kinakaharap na kaso.
Maaari din naman aniya silang mag-adopt ng ibang kandidato para patakbuhin.
Mayroon na aniya silang mga nakausap na mga maaaring kumandidato pero hindi pa ang mga ito nagpapasya.
Sa ngayon, mayroon na lamang dalawang miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara pero marami naman aniya na mga lokal na opisyal.
Idinagdag pa ng mambabatas na magsasagawa sila ng recruitment ng mga bagong miyembro para sa susunod na eleksyon.
Samantala, handa naman ang Lakas na makipagsanib puwersa sa Hugpong ng Pagbabago na lokal na partido ng anak ng pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.