Ed Monreal walang balak magbitiw bilang general manager ng MIAA
Hindi bibigay si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa panawagan na magbitiw siya sa pwesto dahil sa perwisyo ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Air sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) runway.
Sa isang panayam ay nagmatigas si Monreal at sinabi bitong hindi siya magre-resign liban na lang kung may mag-utos sa kanyang magbitiw.
Ayon kay Monreal, bababa lang siya sa pwesto kapag sinabihan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ng MIAA chief na ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya sa pagresolba sa Xiamen Air sa gitna ng mga batikos na palpak sila sa pagtugon sa problema.
Giit nito, sinunod nila ang standard procedure at walang sinuman na makapagsabi ng rasonableng oras kung kailan maging normal ang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.