DFA at OWWA dapat tulungan ang mga OFW na apektado ng aberya sa NAIA ayon sa isang senador

By Jan Escosio August 22, 2018 - 03:00 AM

Hinikayat ni Senador Chiz Escudero ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng malaking aberya sa NAIA.

Partikular na binanggit ni Escudero ang pagtulong sa rebooking sa mga airline companies hanggang sa pagpapaliwanag sa kanilang mga employers na hindi nila kagustuhan ang nangyari.

Ayon sa senador karapatan ng mga pasahero na mabigyan ng kompensasyon para sila ay makabalik sa oras sa bansa na kanilang pinagta-trabahuhan.

Nakasaad sa Air Passenger Bill of Rights kailangan humanap ng paraan ang gobyerno na mabayaran ang mga pasahero sa epekto ng pagkakansela ng biyahe.

Sinabi ng senador kasama na dito ang akomodasyon.

Una nang sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na may mga OFWS na silang tinutungan sa pakikipag ugnayan sa PAL.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.