Terminong “nanlaban” na ginagamit sa war on drugs, pinasaringan ni ex-PNoy

By Isa Avendaño-Umali August 22, 2018 - 01:48 AM

Nagpasaring si dating Pangulong Noynoy Aquino sa terminong “nanlaban” na madalas na ginagamit ng mga otoridad kapag may mapapatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa kanyang talumpati sa misa para sa 35th death anniversary ng kanyang ama na si dating Senador Ninoy Aquino sa Sto. Domingo Church sa Quezon City, nagbiro siya ukol sa mga dilaw na ribbons na ikinabit ng kanilang supporters.

Ani Aquino, maraming salamat sa mga nagkabit ng yellow ribbons, sabay sabing “sana hindi kayo kasuhan ng littering.”

Pero kinalaunan sa kanyang speech, sinabi ni Aquino na sa kasalukuyan, pati ang katotohanan ay mahirap na makamtan.

Aniya kapag ang tao ay naaresto, kadalasang pinoposasan ang kamay at ito ay nasa likod. Pero nagtataka siya na biglang sasabihin ng mga otoridad na “ito ay nanlaban.”

Giit ng dating presidente, kung sinusunod ang SOP, mahirap para sa sinumang tao ang lumaban.

Dahil dito, obligasyon na ipaalala sa mga pulis ang SOP sa mga operasyon lalo na laban sa iligal na droga.

Inamin naman ni Aquino na maingat siya sa pagkokomento, dahil trato raw sa kanya ay kalaban, at kapag nagmungkahi siya ay baka mapasama pa siya o ang taumbayan.

Subalit aniya, minsan nang nagpakita ng lakas ang taumbayan, at darating aniya ang tamang oras na muling maninindigan para sa tama at katotohanan ang mga Pilipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.