Holdupper patay sa engkwentro sa Quezon City; dalawang kasama nakatakas

By Justinne Punsalang August 22, 2018 - 04:06 AM

Contributed photo

Dead on the spot ang isang lalaking holdupper matapos makipagbarilan sa pulisya sa Novaliches, Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang suspek, habang ang kanyang mga kasamahan naman ay nakatakas.

Ayon kay Police Superintendent Rossel Cejas ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, humingi ng tulong sa kanilang himpilan ang driver ng taxi na si Edgardo Montinola.

Reklamo umano nito, dalawang lalaki ang pumara sa kanyang taxi at nagpapahatid sa Fairview. Ngunit sinabi ng mga ito na dumaan sa ibang ruta, at pagdating sa may Forest Hills Subdivision ay tinutukan ng baril ang driver at nagdeklara ng holdup.

Sumakay pa ang isang suspek at doon na tinangay ang taxi.

Kaagad nagsagawa ng followup operation ang mga otoridad upang hanapin ang taxi.

Nang mabuntutan ito ay agad na nagpaputok ang mga holdupper at nauwi sa engkwentro kung saan nasawi ang isang suspek, habang nakatakas ang dalawang iba pa.

Ayon kay Cejas, posibleng kinuha ang taxi upang gamitin sa iba pang masamang gawain.

Samantala, patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang dalawa pang holdupper.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.