M4.1 na lindol yumanig sa Baganga, Davao Oriental
By Rhommel Balasbas August 22, 2018 - 03:19 AM
(Updated as of 3:40am) Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Davao Oriental alas-2:48 ngayong madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 84 kilometro Silangan ng bayan ng Baganga.
Sa Earthquake Information no. 1 na inilabas ng Phivolcs, unang iniulat na magnitude 4.6 ang lindol ngunit ibinaba sa magnitude 4.1.
May lalim ang pagyanig sa isang kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.