Health condition ni Duterte pinuna ni Aquino

By Den Macaranas August 21, 2018 - 06:16 PM

Nanindigan si dating Pangulong Noynoy Aquino na dapat ilantad sa publiko ang tunay na sitwasyon ng kaulusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam kaugnay sa ika-35 death anniversary ni dating Sen. Ninoy Aquino, sinabi ng dating lider ng bansa na importanteng masagot ang tanong ng taumbayan sa tunay na estado ng kalusugan ng kasalukuyang pangulo.

Binigyang-diin rin ng ni Aquino na nasa Saligang Batas na dapat ay alam ng mga miyembro ng gabinete kung may sakit ba o wala ang pinuno ng bansa.

Kahit noong panahon ng kampanya ay sinabi ng dating pangulo na maraming mga events ang hindi napuntahan ni Duterte at doon pa lamang ay naging isyu na ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.

Nauna dito ay sinabi ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na na-comatose daw ang pangulo bagay na mariin namang itinanggi ng Malacañang.

Kagabi ay isang video ang inilabas ni Special Assistant to the President Bong Go kung saan ay makikitang kasama ng pangulo sa dinner ang isang babae.

Patunay umano ito na mali at fake news lamang ang mga ipinakakalat ni Joma Sison.

TAGS: Aquino, constitution, duterte, health condition, Aquino, constitution, duterte, health condition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.