Dalawang bagyo sa labas ng PAR nagpapalakas pa rin sa Habagat

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 21, 2018 - 06:43 AM

Patuloy na pinalalakas ng dalawang bagyo sa labas ng bansa ang Habagat na nagpapaulan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong may international name na Cimaron ay huling namataan sa 2,595 kilometers east ng extreme northern Luzon.

Habang ang bagyong may international name na Soulik ay huli namang namataan sa 1,360 kilometers north east ng extreme northern Luzon.

Dahil dito, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Batanes at Babuyan Group of Islands ay patuloy na uulanin bunsod ng Habagat.

Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Calabarzon, Mindoro Provinces, at Northern Palawan.

TAGS: Cimaron, Pagasa, Radyo Inquirer, Soulik, southwest monsoon, weather, Cimaron, Pagasa, Radyo Inquirer, Soulik, southwest monsoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.