Importation ng EURO-2 diesel pinalagan ng DOTr

By Justinne Punsalang August 21, 2018 - 04:40 AM

Hindi sang-ayon ang Department of Transportation (DOTr) sa direktibang inilabas ng Department of Energy (DOE) patungkol sa pag-aangkat ng EURO-2 diesel bilang mas murang opsyon sa mga motorista.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ang naturang department order ng DOE ay taliwas sa Clean Air Act na naisabatas pa noong 1999.

Sa ilalim ng nasabing batas ay dapat EURO-4 fuel na ang ginagamit ng mga passenger at commercial vehicles simula taong 2017.

Dagdag pa ng kagawaran, bagaman makatitipid ang mga motorista at consumer sa paggamit ng EURO-2 diesel ay hindi naman ito sasapat sa magiging impact nito sa kalusugan ng publiko, maging sa economic losses ng bansa bilang resulta ng polusyon.

Pagdidiin pa ng DOTr, hindi nila babawiin ang implementasyon ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program kung saan nakasaad na dapat EURO-4 compliant ang mga sasakyang tatakbo sa mga kalsada.

Samantala, bilang tugon ay nilinaw ni DOE Undersecretary Wimpy Furentebella na ang importation at pagbebenta ng EURO-2 diesel ay optional lamang para sa mga kumpanya ng langis.

TAGS: DOE, dotr, EURO-2 diesel, DOE, dotr, EURO-2 diesel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.