Mga Muslim hinimok ni Pangulong Duterte na maging matapang
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga Pilipinong Muslim na maging matapang at magkaroon ng paninindigan kasabay ng mga kinakaharap na problema ng bansa upang makamit ang pagbabago.
Isang araw bago ang pagdiriwang ng ating mga kababayang Muslim ng Eid’l Adha, sinabi ng pangulo na ang naturang pagdiriwang ay isang paalala tungkol sa katuparang matatamo sa pamamagitan ng sakripisyo.
Dagdag pa ng pangulo, ang pagdiriwang ng Eid’l Adha ay pagdiriwang ng pananampalataya tungo sa makabuluhang pagbabago.
Hiling ni Pangulong Duterte na magbuklod-buklod ang lahat upang magkaroon ng ‘diverse community’ na mayroong respeto at kapayapaan.
Aniya pa, nawa ay makahanap ng lakas at inspirasyon ang bawat isa upang malagpasan ang mga balakid katulad ng pulitika at kultura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.