P200-M halaga ng pekeng sigarilyo at tax stamps nakumpisma ng BOC
Arestado ang 17 mga Chinese nationals sa ginawang raid ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa bodega ng mga peke sigarilyo sa Gapan City, Nueva Ecija.
Sa advisory ng BOC, narekober mula sa grupo ang ilang mga makina na ginagamit sa paggawa ng mga pinekeng iba’t ibang brand ng sigarilyo.
Kasama rin sa mga nakumpiska ng raiding team ay tatlong kaho ng mga pekeng Bureau of Internal Revenue (BIR) tax stamps.
Sinabi ni Enforcement and Security Services Director Yogi Ruiz na aabot sa P200 Million ang halaga ng mga nakumpiskang pekang sigralyo at mga tax documents.
Sinabi ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na tatlong linggong isinailalim sa surveillance ang nasabing warehouse bago ang kanilang isinagawang raid.
Inaalam na rin ng BOC kung saang mga pamilihan ibinabagsak ng mga suspek ang kanilang mga kontrabando.
Ang mga naarestong Chinese nationals ay kakasuhan ng paglabag sa Section 170 ng Republic Act No. 8293 o “An Act Prescribing The Intellectual Property Code And Establishing The Intellectual Property Office, Providing For Its Powers And Functions, And For Other Purposes.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.