Naga City council hinamong patunayan na hindi sila “shabu hotbed”

By Chona Yu August 20, 2018 - 04:37 PM

Inquirer photo

Hinamon ng Malaca؜ñang ang Naga City Council na patunayan na hindi hotbed ng droga ang kanilang lugar na kilalang balwarte ni Vice President Leni Robredo.

Pahayag ito ng palasyo matapos igiit ng Naga City Council na hindi ang kanilang lugar kundi ang Maynila ang hotbed ng shabu.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, na sa halip na mag-aksaya ng panahon at resources ng gobyerno mas makabubuti kung labanan na lang ng Naga City Council ang mga nagpapakalat at nagbebenta ng droga sa kanilang area.

Sinabi pa ni Roque na sa halip na dibdibin, mas makabubuting tanggapin ng mga taga Naga ang akusasyon na isang constructive criticism para pag-igihan pa ang kampanya kontra sa ilegal na droga.

Una na ring sinabi ng palasyo na may pinanghahawakang impormasyon o intelligence report si Pangulong Rodrigo Duterte na talamak ang ilegal na droga sa Lungsod ng Naga.

Ayon pa kay Roque, “Labanan nila iyong mga nagbebenta ng droga sa Naga at patunayan nilang hindi talaga hotbed of shabu, na shabu-free iyong kanilang mga bayan. It should be constructive particularly on the part of public officers.

TAGS: Harry Roque, hotbed, naga city, shabu, Harry Roque, hotbed, naga city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.