15 kilo ng marijuana na galing Baguio, nasamsam sa La Loma, QC

By Jong Manlapaz August 20, 2018 - 07:56 AM

 

Labing limang kilos ng marijuana ang nasabat ng National Capital Region Police Office-Regional Drug Enforcement Unit o NCRPO-RDEU at La Loma, Quezon City Police sa A. Bonifacio Drive, Balintawak, sa lungsod ng Quezon, Lunes ng madaling araw (August 20).

Nauwi pa sa habulan ang operasyon nang makatunog ang mga suspek na sina Francis Marie Nepomuceno at Michael Gontinias na mga pulis ang kanilang katransaksyon.

Sinubukan ng mga suspek na tumakas gamit ang isang itim na Toyota Innova, subalit matapos ang nasa limang kilometrong habulan ay nahuli rin ng mga pulis ang mga dalawa sa NS Amoranto Street, sa may Mayon Street, La Loma.

Nasamsam mula kina Nepomuceno at Gontinias ang nasa P275,000.00 na halaga ng marijuana na galing pa ng Baguio at sa Metro Manila at Nueva Ecija ibinabagsak.

Ang mga suspek nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: Marijuana, NCRPO, Marijuana, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.