AFP, nag-sorry dahil sa ‘surveillance operation’ sa UP

By Jan Escosio October 28, 2015 - 04:37 AM

 

AFP logoHumingi ng paumanhin ang Armed Forces of the Philippines sa UP Diliman community kaugnay sa isinagawang operasyon ng ilang military intelligence personnel sa unibersidad noong nakaraang linggo.

Ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng AFP ay bunsod ng insidente na kung saan anim na intelligence operatives ang naaresto sa loob ng UP campus.

Sa pahayag na inilabas ng AFP Public Affairs Office, nanindigan naman ang militar na lehitimong national security operation ang isinagawa sabay paglilinaw na hindi mga estudyante o mga propesor ang naging subjects dito.

Ipinaliwanag din ng AFP na hindi intensyon ng mga operatiba na labagin ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at UP noong 1989 kaugnay sa pagsasagawa ng military operation sa pangunahing state university.

Kasabay nito, nangako ang AFP na hindi na mauulit ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.