Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa lalawigan ng Zambales.
Sa 4:16 PM advisory ng weather bureau, ito ay bunsod ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat.
Makararanas ng mabigat na buhos ng ulan sa nasabing lalawigan at posible pang magdulot ng pagbaha sa mababang lugar.
Samantala, mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan ang iiral Bagac, Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga at Dinalupihan sa Bataan; Pampanga; Bamban, Capas, at San Jose sa Tarlac; at, Doña Remedios at Trinidad sa Tarlac.
Kabilang din sa makararanas ng sama ng panahon ang Sta. Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete, Kaayaan, Lumban, Pagsanjan at Luisiana sa Laguna; Gen. Nakar, Infanta, Real, Lucena at Tayabas sa Quezon; at Carranglan, Nueva Ecija sa loob ng isa hanggang dalawang oras.
Inaasahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Cavite at Batangas sa susunod na tatlong oras.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tumutok sa update sa sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.