Naga City local gov’t nagpahayag ng galit sa ‘hotbed’ ng shabu comment ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas August 19, 2018 - 05:28 AM

Naga City sa piyesta ng Birhen ng Peñafrancia | INQUIRER file photo

Hinamon ng Naga City local government si Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin nito ang lungsod upang makita umano nito ng personal kung gaano kaligtas, kapayapa at walang bahid ng droga ang kanilang lugar.

Naglabas ang Tanggapan ng Sangguniang Panlungsod ng Naga ng isang resolusyon na nagpapahayag ng kanilang galit laban sa komento ng pangulo na dating ‘hotbed’ ng shabu ang siyudad.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pahayag ng pangulo na wala namang basehan ay isang direktang insulto sa dignidad ng mga Nagaueños lalo na sa yumaong dati nitong alkalde at dating Interior Secretary Jesse Robredo.

Sinabi ng lungsod na inilaan ni Robredo ang buhay nito sa pagsugpo sa iligal na droga sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa na umiiral pa rin sa kasalukuyang liderato ni Mayor John G. Bongat.

Ang mga nagawa umano ng yumaong Robredo partikular sa droga at pagpapanatili ng peace and order ay nagbigay karangalan sa lungsod hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa international level.

Sa ngayon anila ay patuloy ang pagtulong ng lokal na pamahalaan sa mga drug surrenderees at mayroon ding anti-drug task forces ang binuo.

Iginiit pa ng lungsod na maging ang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Timog-Luzon ay pinasinungalingan ang komento ni Duterte at sinabing mas matindi ang kalakaran ng droga sa Maynila.

Hindi umano mananahimik ang Naga City sa insultong ito laban sa dignidad ng mga Nagaueños.

TAGS: jesse robredo, naga city, Rodrigo Duterte, jesse robredo, naga city, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.