Libu-libo stranded dahil sa pagbaha sa India
Pinapalawig na ng Indian government ang kanilang rescue operations sa libu-libong katao na na-stranded dahil sa pagbaha sa southern Kerala.
Ayon kay Kerala Chief Minister Pinarayi Vijayan, ang naging pagbaha sa India ay ang pinakamalala sa lugar sa loob ng 100 taon.
Sa isang tweet sinabi ng opisyal na mahigit 314,000 katao na ang nananatili sa higit 2,000 evacuation centers.
Umabot na sa 324 ang nasawi sa lugar dahil sa pag-ulan at pagbaha na inaasahang magpapatuloy pa rin dahil sa weather forecast ngayong weekend.
Kumilos na si Prime Minister Narendra Modi at tumungo sa mga apektadong lugar at pinulong ang mga local officials tungkol sa krisis.
Idineploy na ang daan-daang tropa ng rescuers, dose-dosenang bangka at helicopters para mailikas ang mga residente.
Pinangangambahan na marami pa ang na-trap sa mga bubong ng mga binahang bahay.
Samantala, nang magsimula ang panahon ng tag-ulan sa India ay malapit nang pumalo sa 1,000 ang naitalang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.