Magnitude 4.1 na lindol naitala sa Davao Occidental
By Rhommel Balasbas August 19, 2018 - 12:28 AM
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Davao Occidental alas-11:28 Sabado ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 213 kilometro Kanluran ng Sarangani.
May lalim ang pagyanig na 377 kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman nakapagtala ng aftershocks at pinsala sa mga ari-arian ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.