“Hindi hotbed ng shabu ang Naga City”- VP Robredo

By Marilyn Montaño, Rhommel Balasbas August 19, 2018 - 01:10 AM

Pinalagan ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging hot bed ng shabu ang kanyang balwarte na Naga City.

Ayon kay Robredo, malaking insulto ang sinabi ng Pangulo sa mga dati at kasalukuyang lokal na opisyal na nagtrabaho ng mabuti para mapaunlad ang syudad.

Ginawa ng Pangalawang Pangulo ang pahayag kasabay ng 6th death anniversary ng kanyang mister na si dating Interior Secretary Jesse Robredo na naging Naga City Mayor.

Ayon kay Robredo, hindi perpekto ang lungsod, marami itong problema pero para sabihin na ito ay hot bed ay malaking sampal ito sa mukha ng lahat ng nagpapagod para itaas hindi lang ang bandila kundi pati ang pangalan ng Naga.

Dagdag nito, walang basehan ang sinabi ng Pangulo at siya na lang daw ang siraan ni Pangulong Duterte at hindi na dapat nandamay ng iba.

Samantala, nagpasa na ang Naga City Council ng resolusyon na kumokundena sa pahayag ng Pangulo.

Sinabi naman ni Naga City Mayor John Bongat na kukumpirmahin nila ang sinabi ng Pangulo na naging hot bed ng shabu ang kanilang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.