P22-B rehab project sa MRT-3 inaprubahan na ng NEDA

By Den Macaranas August 18, 2018 - 09:26 AM

Inquirer file photo

Inaprubahan na ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee ang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Ang nasabing proyekto ay popondohan ng Official Development Assistance (ODA) ng bansang Japan.

Sa inilabas na pahayag mula sa National Economic and Development Autghority (NEDA), aabot sa P22 Billion ang ilalaang  pondo para sa pagsasa-ayos ng buong sistema ng MRT-3.

Sisimulan sa ikatlong bahagi ng 2018 ang nasabing rehabilitation project at inaasahang matatapos ito sa first quarter ng taong 2021 ayon sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr).

Ipinaliwanag ng DOTr na bago matapos ang buwang kasalukuyan ay pipirmahan na ang loan agreement na susundan naman ng pagdating mga Japanese maintenance contractor na silang mangangasiwa sa proyekto.

Kapag natapos na ang rehabilitation project ay inaasahang aabot na sa 60 kilometers per hour ang magiging bilis ng takbo ng mga MRT trains.

Inaasahan rin na tatlong minuto na lamang ang waiting time para sa mga pasahero.

Sakop sa rehabilitation program ng MRT-3 ang mga train, power supply system, radio system, signaling system, public address system pati na rin ang mga CCTV.

TAGS: dotr, Japan, MRT, neda, oda, rehab, dotr, Japan, MRT, neda, oda, rehab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.