Bomba na pumatay sa 40 katao sa Yemen gawa sa US
Bahagi ng US State Department-sanctiones arms deal sa Saudi Arabia ang bombing ginamit na pumatay ng 40 katao na karamihan ay mga bata sa Yemen noong Agust, 9.
Sa inilabas na pahayag ng ilang mga imbestigador sa lugar, ang 500-pound na laser-guided na MK 82 bomb ay gawa ng Lockheed Martin na isa sa mga pangunahing defense contractor ng US.
Ipinaliwanag ng ilang munition experts na ang nasabing bomba ay kahalintulad ng mga uri ng pampasabog na ini-export ng US sa Saudi Arabia.
Noong October, 2016 ay isang kahalintulad rin na bomba ang sumabog sa Yemen na kumitil sa buhay ng 160 katao.
Makaraan ang matinding batikos sa US ng international community ay napilitan si dating Pangulong Barrack Obama na ipatigil ang pagbebenta ng naturang uri ng bomba sa labas ng kanilang bansa noong mga panahong iyun.
Wala pang inilalabas na pahayag ang US hingil sa nasabing development habang humihingi naman ng hustisya ang mga kaanak ng mga namatay sa nasabing pag-atake sa Yemen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.