Weekend magiging maulan dahil sa Habagat at thunderstorms – Pagasa
Nagbabala ang PAGASA ng maulang weekend dahil inaasahang magdudulot ang Habagat ng pag-uulan sa Luzon partikular sa Ilocos Region, Zambales at Batan.
Sa PAGASA advisory, asahan din ang isolated rain showers sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.
Pinayuhan ang mga apektadong residente na maghanda sa posibleng baha at landslides.
Samantala, huling namataan ang Tropical Storm Soulik sa bahagi ng extreme Northern Luzon taglay ang hangin na 105 kilometers per hour at bugsong 130 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong north-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.