War on drugs, hindi na madugo – PNP

By Marilyn Montaño August 17, 2018 - 09:27 PM

 

Inquirer file photo

Hindi na umano madugo ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ito ay sa kabila ng average na anim na katao ang namatay kada araw sa nakalipas na dalawang taon ng kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Sr. Supt. Bong Durana, naitala ang 4,814 na patay sa anti-drug operations ng mga otoridad.

Nangangahulugan ito ng 6 na indibidwal ang nasawi kada araw mula nang magsimula ang war on drugs noong July 1, 2016.

Pero sinabi ni Durana na ang naturang bilang ay nagpapakita na bumaba ang mga namatay kasunod ng pagplantsa ng PNP sa alituntunin ng operasyon.

Ayon pa sa PNP official, mula July 1, 2016 hanggang October 25, 2016, mayroong 1,798 na patay sa drug operations ng pulisya o 105 na patay kada linggo.

Bumaba ito sa 61 deaths per week mula October 26, 2016 hanggang January 30, 2017 o 816 deaths per week.

Tiniyak naman ni Durana na patuloy ang pag-ayos nila sa polisiya at sa proteksyon ng karapatang pantao hindi lang ng suspek kundi pati ang pulis.

Samantala, sinabi ni Durana na nasa 59 na pulis ang sinibak na kasabay ng implementasyon ng war on drugs.

 

TAGS: PNP, War on drugs, PNP, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.