Pang. Duterte, itinaas sa P5M ang pabuya sa “ninja cop”

By Marilyn Montaño August 17, 2018 - 09:01 PM

Mula sa dating P3 million, ginawa ng P5 million ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya para sa bawat “ninja cop” o pulis na protektor ng drug syndicate o sangkot sa iligal na droga.

Idineklara ito ng Presidente sa harap ng mga miyembro ng regional political party ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ayon kay Duterte, maraming atraso ang pulis kahit sinabi na niyang ihinto na ang mga iligal na aktibidad.

Dahil dito, itinaas ni Duterte ang patong sa ulo ng ninja cop. “Sa ninja cops, I will now raise the amount to P5 million per ninja cop. If you bring him to me dead, P5 million, pag buhay, bigyan kita ng P10,000,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaan ilang beses nang minura at sinermunan ng Pangulo ang mga pulis na sangkot sa krimen.

Pinakahuli nitong binantaan na kanyang papatayin ang mahigit 100 pulis na iprinisinta sa kanya sa Malakanyang na sangkot sa iba’t ibang krimen gaya ng kidnapping.

 

TAGS: Ninja cop, Rodrigo Duterte, Ninja cop, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.