P880,000 na halaga ng shabu nasabat sa Albay

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 17, 2018 - 03:49 PM

Aabot sa P880,000 na halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol at Philippine Navy mula sa dalawang drug suspects sa Albay Gulf.

Tinangkang ibiyahe ng mga suspek na sina Ariel Barcelon alyas Ayie at Bernardo Dayto ang mga ilegal na droga sa Sula channel, Biyernes (Aug. 17) ng umaga.

Ayon kay PDEA Regional Director Christian Frivaldo, sakay ng motorized banca ang mga suspek galing sa Barangay San Roque at patungo sana sa isla sa Rapu-rapu.

Nasabat sa dalawa ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 130 grams at tinatayang nagkakalaga ng P800,000.

Si Barcelon ang target ng mga otoridad dahil mayroon itong standing warrant of arrest.

Itinuturing umanong high-value target si Barcelon at nasa drug watchlist ng PDEA habang nagsisilbi namang drug courier nito si Dayto.

TAGS: Albay, Illegal Drugs, PDEA, Radyo Inquirer, Albay, Illegal Drugs, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.