De Lima umapela sa Korte Suprema na payagan siyang dumalo sa Oral Argument sa ICC petition
Umapela si Senator Leila de Lima sa Korte Suprema na payagan siyang dumalo sa oral argument sa petisyon na humihiling na mapawalang-bisa ang pag-withdraw ng gobyerno sa Rome Statute of the International Criminal Court (ICC).
Sa kaniyang inihaing motionfor reconsideration nakiusap si De Lima sa Mataas na Hukuman na muling pag-aralan ang naunang pasya na nagbabasura sa kaniyang hirit na makadalo siya sa oral argument sa August 28.
Ayon kay De Lima, hindi naman kalayaan mula sa pagkakabilanggo ang kaniyang inihihirit kundi ang makabiyahe lamang mula sa Custodial Center ng Camp Crame sa Quezon City patungong Padre Faura sa Maynila.
Agad din naman aniya siyang babalik sa kaniyang detention facility kapag natapos na ang oral argument.
Nais ng minority senators na makadalo si De Lima para personal na makapaglahad ng kaniyang argumento sa isyu.
Naghain pa sila ng manifestation sa Korte Suprema para payagan si De Lima na dumalo sa oral argument ang ang manifestation ay nilagdaan nina Minority Leader Franklin Drilon, at Senators Francis Pangilinan, Paolo Benigno Aquino IV, Risa Hontiveros, at Antonio Trillanes IV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.