Molise region sa Italy niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 17, 2018 - 08:30 AM

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang central Italian Region na Molise.

Ayon sa US Geological Survey, may lalim na 12 kilometers ang lindol at sa lakas ng pagyanig maraming mga residente ang naglabasan ng kanilang mga bahay.

Sinabi naman ng mga otoridad na minor damage lang ang naidulot ng lindol.

Kabilang sa mga naapektuhan ang pader ng mga luma nang gusali.

Wala namang naitalang nasaktan bunsod ng insidente.

TAGS: earthquake, italy, Radyo Inquirer, earthquake, italy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.