International flights sa NAIA apektado dahil sa sumadsad na Xiamen Airlines; maraming pasahero stranded

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 17, 2018 - 06:43 AM

CONTRIBUTED PHOTO FOR RADYO INQUIRER

Apektado na ang maraming biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines sa runway.

Sa NAIA Terminal 1, tambak na ang mga pasaherong dapat sana ay may flight ng Biyernes ng umaga.

Ayon sa mga pasahero, inabisuhan na silang delayed ang kanilang biyahe at mamayang alas 12:00 pa ng tanghali posibleng mag-resume ang biyahe ng mga eroplano.

Ang ibang pasahero madaling araw pa lamang ay nasa NAIA na para sa kanilang alas 7:00 na flight ngayong umaga pero inabisuhan silang alas 12:00 pa matutuloy ang kanilang biyahe.

Nag-abiso naman na ang Cebu Pacific hinggil sa mga biyahe nilang kanselado ngayong araw.

Ayon sa naturang airline company, kanselado na ang sumusunod nilang biyahe:

• 5J 272 Manila-Hong Kong
• 5J 929 Manila-Bangkok
• 5J 5054 Manila-Narita
• 5J 110 Manila-Hong Kong

Samantala, diverted naman sa Clark International Airport ang dalawang flights nila na dapat ay lalapag sa NAIA kabilang ang

• 5J 804 Singapore-Manila
• 5J 187 Incheon-Manila

Ayon sa Cebu Pacific, ang mga pasahero na na-divert sa Clark ay isasakay ng bus patungong Maynila.

TAGS: cebu pacific, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, Xiamen Airlines, cebu pacific, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, Xiamen Airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.