Suspek sa Basilan bombing, naaresto sa Cebu

By Rhommel Balasbas August 17, 2018 - 04:34 AM

CDN Photo

Isang suspek sa pagsabog sa Lamitan, Basilan noong nakaraang buwan ang naaresto sa Cebu kahapon.

Nakilala ang suspek na si Oger Pelonio, 68 anyos na sinasabi ring sangkot sa gun smuggling at pangingikil sa Visayas at Mindanao.

Nahuli si Pelonio ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Central Visayas Police, National Intelligence and Coordinating Agency, Military Intelligence Group sa kanyang tirahan sa Barangay Ocaña, Carcar City.

Inaresto ang supek sa bisa ng arrest warrant na inilabas niu Cebu City Regional Trial Court Branch 18 Judge Gilbert Moises.

Ayon sa mga awtoridad ang suspek na kilala rin sa mga alyas na ‘Juncal’ at ‘Aktoy’ ay ang nakilalang nagpaabot ng text message kay Lamitan Vice Mayor Roderick Furigay tungkol sa planong pambobomba.

Ayon kay Central Visayas Police Director C/Supt. Debold Sinas, nakuha sa suspek ang iba’t ibang uri ng baril, bala, mga pampasabog, walong aerial maps, bomb sketch, tablet, pitong cellphone at pocket wifi.

Dinala sa regional office ng CIDG si Pelonio para sa dokumentasyon at nang mai-turnover sa kustodiya ng korte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.