Isang bar sa Makati, ni-raid; 3 abogado ng may-ari, inaresto
Posibleng maharap sa kasong obstruction of justice ang tatlong abogado na diumano’y nakialam sa pagsisilbi ng search warrant sa club na unang sinalakay ng mga pulis-Makati dahil sa pagiging diumanoy drug den.
Kasama sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar at Southern Police District (SPD) Chief Supt. Tomas Apolinario, isinilbi ni Makati City police chief Sr. Supt Rogelio Simon ang warrant sa Times Bar sa Makati Avenue.
Pakay nila na malaman ang laman ng dalawang vault sa opisina ng office manager sa hinala na doon nakatago ang mga droga.
Hindi naman nagkamali ang awtoridad dahil pagbukas ng dalawang vault ay nakita nila ang 17 sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, 3 plastic ng cocaine, isang plastic ng kush at drug paraphernalia.
Habang nag-iimbentaryo sa mga nadiskubreng hinihinalang droga, dumating ang isang babae at dalawang lalaki na pawang nagpakilala na abogado ng isa sa mga may-ari ng bar.
Kumuha ng mga litrato at video ang isa sa tatlong abogado at sinisindak ang mga operatiba.
Bunga nito inaresto ang tatlo na nakilalang sina Atty. Leni Rocha, Atty. Jan Soliven at Atty. Romulo Alarcon.
Nagsilbing saksi sa operasyon ang punong barangay, isang kawani ng pamahalaang panglungsod at mga taga media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.