Cayetano, nakatakdang bumiyahe patungong China ukol sa WPS
Nakatakdang lumipad si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Beijing, China.
Sa isang global migration forum sa Maynila, sinabi ni Cayetano na ito ay para talakayin ang framework ng gagawing joint exploration sa West Philippine Sea.
Layon din aniya nito na mapabilis ang mga proyekto at investments ng Pilipinas kasama ang China.
Hindi naman inanunsiyo ng kalihim kung kailan ang mismong biyahe kasama ang technical working group.
Kabilang sa naturang grupo ang ilang eksperto mula sa gobyerno at pribadong sektor na makakapag-aral ng joint exploration.
Dagdag pa ng kalihim, umaasa siyang magkasundo na at magkakaroon na ng pirmahan sa pagitan ng dalawang bansa sa buwan ng Setyembre ukol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.