NutriAsia nanindigang hindi nila empleyado ang mga nagwelgang manggagawa sa planta sa Bulacan

By Ricky Brozas August 16, 2018 - 01:33 PM

Nanindigan ang food manufacturer na NutriAsia na ang karapatan ng kanilang mga lihetimong mga manggagawa ang kanilang isinaalang-alang sa gitna sigalot sa pagitan ng kanilang kumpanya at mga nagpoprotestang mga trabahante.

Kasabay nito ay iginiit ni Thelma Meneses, spokesperson ng NutriAsia, na hindi nila mga kawani ang mga nagwewelgang mga manggagawa sa halip ay mga regular at permanent employees ng kanilang contractor na BMirk Group (BMirk).

Sa kanyang mensahe nilinaw ni Meneses na ang BMirk ay sertipikado ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang lihetimong toll packer/service provider na may empleyadong aabot sa mahigit 10,000.

Paglilinaw din ni Menses na kinumpirma ng DOLE na ang mga nagwewelgang empelyado ay may lihetimong employer-employee relationship sa BMirk at hindi sa NutriAsia.

Nanindighan din ang NutriAsia na walang basehan ang hinaing ng mga welgista na sila ay gawing regular na empleyado ng NutriAsia gayung regular naman na talaga silang kawani ng BMirk.

TAGS: DOLE, nutriasia, DOLE, nutriasia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.