LPA sa labas ng bansa isa nang bagyo ayon sa PAGASA
Nabuo na bilang isang tropical depression ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Sa abiso ng PAGASA ang bagyo na may international name na “Soulik” ay huling namataan sa 2,235 kilometers east ng Central Luzon.
Malapit sa Northern Marianas ang bagyo.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.
Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansa na pumasok ng bansa ang bagyo at wala din itong direktang epekto saanmang panig ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.