Pagbabawal sa driver-only vehicles sa EDSA, unconstitutional ayon kay Rep. Villarin

By Erwin Aguilon August 16, 2018 - 12:27 PM

Iginiit ni Akbayan Rep. Tom Villarin na maaring ideklarang unconstitutional ang pagbabawal sa driver-only vehicles ng MMDA na dumaan sa EDSA.

Ayon kay Villarin ang hakbang ng MMDA ay naglilimita sa paggamit ng mga mamamayan ng kanyang ari-arian ng walang due process.

Sinabi rin ng mambabatas na talagang malala ang problema sa trapiko sa Metro Manila at hindi lamang ang isyu ng mga sasakyan na driver lamang ang sakay sa EDSA.

Ang dapat anyang gawin ng gobyerno ay bawasan ang mga sasakyan sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng environmental laws tulad ng pagbabawal sa paggamit ng mga sasakyan na mayroong “highly polluted engines.”

Bukod pa rito anya ang paglilinis sa mga secondary roads sa mga sasakyang nakaparada upang magamit itong alternatibong ruta.

TAGS: edsa, HOV Lane, HOV Scheme, mmda, edsa, HOV Lane, HOV Scheme, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.