Comelec nagpasaklolo sa DOJ sa kaso vs Smartmatic-TIM

By Ricky Brozas October 27, 2015 - 04:03 PM

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC
INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Idinulog na ng Commission on Elections o Comelec sa Department of Justice ang pagresolba sa electoral sabotage case laban sa Smartmatic-Total Information Management Corporation.

Katwiran ni COMELEC Chairman Andres Bautista, may kasunduan kasi ang ahensiya sa Smartmatic-TIM hinggil sa pagsusuplay nito ng 93,977 Optical Mark Reader o OMR units na gagamitin sa halalan sa 2016.

Kabilang sa mga naghain ng electoral sabotage case ay si dating Comelec Commissioner Augusto Lagman.

Inakusahan ni Lagman ang Smartmatic ng pagpapalit umano ng source code ng mga luma o dati nang ginamit na mga PCOS machines ilang sandali lamang matapos magsara ang botohan nuong 2013 Elections.

Kabilang sa mga lumagda para idulog na sa DOJ ang kaso ay sina Comelec Chairman Andres Bautista at Commissioners Robert Lim, Al Parreno, Arthur Lim at Sheriff Abas.

On-leave naman si Commissioner Luie Tito Guia habang si Commissioner Rowena Guanzon ay wala nang isagawa ang proceedings.

Sa ilalim ng umiiral na Omnibus Election code, may prosecutorial powers ang Comelec para sa kahalintulad na reklamo pero mas minarapat ng Law Department ng ahensya na i-refer ang reklamo sa Justice Department.

Sa ilaim ng nasabing batas, ang kasong electoral sabotage ay may pinaka-mataas na parusang life imprisonment.

 

TAGS: bautista, comelec, Smartmatic-TIM, bautista, comelec, Smartmatic-TIM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.