Chinese President Xi Jing Ping di pa tiyak na dadalo sa APEC summit

By Alvin Barcelona October 27, 2015 - 03:40 PM

Noynoy-and-Xi-Jinping-APEC-2014.2
Inquirer file photo

Nanindigan si Pangulong Noynoy Aquino na walang magiging epekto ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea sa preparasyon ng bansa sa APEC leaders meeting sa Nobyembre.

Katunayan, sinabi ni pangulo na pormal nang napadalhan si Chinese President Xi Jin Ping ng imbitasyon para sa leaders’ meeting.

Pero inamin din ni Pangulong Aquino na wala pa silang natatanggap na kumpirmasyon sa pagdalo ng Chinese leader.

Gayunman, umaasa si pangulo na susuportahan ng tinawag niyang big brother sa Asya ang hosting Pilipinas sa APEC meeting tulad ng pagsuporta niya sa hosting ng Beijing sa nasabi ring event noong nakaraang taon.

Nauna nang sinabi ng mga tagapagsalita ng Pangulo na hiwalay na isyu ang agawan sa West Philippine Sea sa mga mahahalagang bagay na pag-uusapan sa APEC meeting.

TAGS: apec, Aquino, China, apec, Aquino, China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.