Pangulong Duterte hiningi ang tulong ng PDP-Laban sa pagresolba sa problema ng bansa

By Justinne Punsalang August 16, 2018 - 01:24 AM

Humingi ng suporta si Pangulong Duterte sa kanyang mga kapartido sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa katulad ng kahirapan at iligal na droga.

Sa talumpati ng pangulo para sa unang taong anibersaryo ng PDP-Laban Cares sa Pasay City ay hinimok nito na dapat magkaisa ang lahat kasunod ng nagaganap na reporma sa administrasyon.

Hiling ng pangulo ang patuloy na suporta ng PDP-Laban maging ng mga kaalyado ng partido upang makabuo ng praktikal na solusyon sa mga problema ng Pilipinas.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, dapat ay manatiling committed ang bawat isa sa vision ng partido na maalis ang mga Pilipino sa kamay ng kahirapan, krime, iligal na droga, at kurapsyon sa pamamagitan ng pagsusulong ng hustisya, pagkakapantay-pantay, at maayos na pamumuno.

Hinimok din ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kaalyado na maging instrumento sa pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng pagsusulong pederalismo, preferential policy para sa mga mahihirap at marginalized sector, pagkakaroon ng religious tolerance, at pagkakaloob ng pantay na oportunidad para sa lahat.

Present sa naturang even sina PDP-Laban president Senador Koko Pimentel at PDP-Laban secretary-general Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.