Davao provinces niyanig ng magkasunod na lindol
Dalawang lindol ang magkasunod na yumanig sa Davao Oriental at Occidental hatinggabi ng Huwebes.
Ayon sa PHIVOLCS, unang naganap ang magnitude 3.1 na lindol sa Tarragona, Davao Oriental bandang alas-12:12 ng hatinggabi.
Naitala ang episentro ng lindol sa 128km timogsilangan ng nasabing bayan.
May lalim itong 15km at tectonic ang pinagmulan.
Wala pang isang oras nang yanigin naman ng isang magnitude 3.0 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, ang sentro ng lindol ay nasa 86km timogsilangan ng Sarangani.
Isang kilometro lamang ang lalim nito at tectonic din ang origin.
Kapwa walang naitalang intensities sa parehong lindol at wala rin inaasahang anumang pinsala sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.