Dagdag-buwis sa sin products, asahan na – DOF

By Alvin Barcelona August 15, 2018 - 05:47 PM

Plano ng Department of Finance (DOF) na taasan pa ang buwis sa sin products.

Sa isang pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III na dagdagan muli ang sin taxes sa mga susunod na taon.

Ayon kay Dominguez, layon nitong iiwas ang publiko sa mga bisyo na nagdudulot ng karamdaman.

Inaasahan din anila makatutulong ito para mapataas ang koleksyon ng buwis ng pamahalaan.

Samantala, ibinida ng kalihim ang aniya’y malaking pagbabago sa koleksyon ng ahensya ng pamahalaan.

Kabilang dito ang magandang performance ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi pa nito na malaki ang naitulong ng BOC at BIR sa magandang takbo ng ekonomiya ng bansa.

TAGS: alak, BUsiness, DOF, Finance Secretary Carlos "Sonny" Dominguez III, sigarilyo, alak, BUsiness, DOF, Finance Secretary Carlos "Sonny" Dominguez III, sigarilyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.