“Installment-vote buying”, umiiral na sa ilang lugar
Bagaman ilang buwan pa bago ang 2016 elections, may ilang mga pulitiko ang ibinibigay na ang paunang kabayaran sa botante kapalit ng pagpaparehistro at pagboto sa kanila sa halalan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman sa Radyo Inquirer na may mga ipinararating sa kanilang report na may mga pulitiko lalo na sa lokal na ang mga kakandidato sa lokal na posisyon na nagbibigay na ng paunang bayad sa mga botante para sila ay humabol sa pagpapaparehistro at ang kabuuan ng bayad ay ibibigay kapag sila ay boboto na. “Marami daw ngang mga pulitiko lalo na sa lokal na ibinibigay na ang unang instalment ngayon para magparehistro at ang pangalawang instalment kapag bumoto na sila,” ayon kay Bautista.
Ang nasabing report aniya ay nagmumula sa kanilang mga field office, base sa mga usap-usapan sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Pero aminado si Bautista na mahirap patunayan ang mga balitang natatanggap ng kanilang mga field officer ay mahirap mapatunayan.
Kinakailangan aniyang mismong ang mga botante ang aamin at magsusumbong sa Comelec.
Kinakailangan aniyang tukuyin ng mga botanteng binigyan ng pera kung sino ang mga pulitiko na sangkot, para mapanagot ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.