Bank accounts ng mga sinibak na opisyal kaugnay sa V. Luna mess pinapipigil ng isang kongresista

By Erwin Aguilon August 15, 2018 - 12:11 PM

Hinikayat ng isang kongresista ang pamahalaan na i-freeze ang mga bank accounts ang mga sinibak na opisyal ng militar dahil sa anomalya sa V. Luna Hospital.

Ayon kay Leyte Rep. Henry Ong, dapat kumilos si AFP Chief of Staff Carlito Galvez at kaagad makipag-ugnayan sa Anti-Money Laundering Council at Department of Justice upang kaagad ma-freeze ang accounts ng mga sangkot na military officials.

Bukod anya sa mga bank accounts ng dalawampung opisyal kasama sina AFP Health Service Commander Brig. Gen. Edwin Torrelavega at V. Luna Medical Center Commander Col. Antonio Punzalan dapat ma-freeze din ang mga liquid assets ng mga ito.

Hindi anya dapat maunahan ang pamahalaan at mailipat ang pera ng mga nasibak na opisyal para makaiwas sa pananagutan.

Iginiit pa ng mambabatas na dapat ipawalang bisa ang mga nilagdaan ng mga ito.

Bukod dito, dapat din anyang ingatan ang mga financial records, paper at electronic trail na kuwestyunableng pinasok ng mga sinibak na military officials.

TAGS: AFP, V Luna Hospital, AFP, V Luna Hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.