Cosmos Bank sa India napasok ng hackers; $15.5M ang natangay

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 15, 2018 - 07:44 AM

Napasok ng hackers ang computer system ng Cosmos Bank sa India at aabot sa $13.5 million na pera ang kanilang natangay.

Sa isinagawang pag-atake ng mga cyber-criminal ay nakapagsagawa sila ng withdrawal transaction sa 28 mga bansa.

Nakuha rin ng mga suspek ang impormasyon ng mga kliyente ng Cosmos Bank gamit ang malware sa kanilang automated teller machine (ATM) server.

Maliban sa withdrawal sa ATMs, nagawa ding makapag-transfer ng mga suspek ng aabot sa $200,000 na halaga ng salapi at ang pera ay natukoy na inilipat sa isang kumpanya sa Hong Kong.

Hindi naman ibinigay ng Cosmos Bank kung sa anong mga bansa nangyari ang hacking habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon.

TAGS: cosmos bank, cyber attack, hacking, India, cosmos bank, cyber attack, hacking, India

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.