Ben Tulfo at Wanda Teo posibleng panagutin sa graft ayon sa Senate Blue Ribbon Committee

By Len Montaño August 15, 2018 - 03:09 AM

Naniniwala si Senador Richard Gordon na pwedeng papanagutin sa graft pero hindi sa plunder ang magkakapatid na si dating Tourism Secretary Wanda Teo at Ben Tulfo kaugnay ng P60 million advertising deal ng Department of Tourism (DOT) sa PTV-4.

Ayon kay Gordon na siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-imbestiga sa ad deal, bagaman walang mali sa paglalagay ng DOT ng commercial sa PTV, inilagay ang advertisement sa progrmang pino-produce at ang hosts ay sina Ben at Erwin Tulfo na mga kapatid ni Teo.

Kilalang tao aniya ang mga Tulfo kaya dapat ay nakita ito agad ng ahensya at ng tv network.

Pero nilinaw ng senador na ang dating kalihim at si Ben lamang ang pwedeng papanagutin pero hindi si Erwin.

Mahirap aniyang isulong ang kasong plunder laban sa mga Tulfo dahil ginastos ang pondo ng bayan sa advertising at hindi naman ito ibinulsa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.