State of calamity idineklara na sa Rodriguez, Rizal
Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Rodriguez, Rizal.
Ang desisyon ay batay sa assessment sa mga pinsala idinulot ng nagdaang Habagat sa bayan ng Rodriguez mula sa mga sektor ng agrikultura, imprastraktura, kalusugan, at kabuuang panlipunan.
Ang deklarasyon ng state of calamity ay base rin sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna nina Mayor Cecilio Hernandez at ipinasa sa Sangguniang Bayan sa tanggapan ni Vice Mayor Dennis Hernandez.
Sa pagsasailalim sa state of calamity, madaling matutugunan ng LGU ang mga kailangan ng mga apektadong residente dahil mailalabas ang sapat na pondo pa rito.
Marami pa rin ang evacuees sa ilang designated evacuation areas, dahil sa pangambang umulan muli ng malakas at magbaha.
Nagdeklera na rin ang Rodriguez LGU ng walang pasok sa lahat ng antas ng klase sa mga paaralan, public o private sa naturang lungsod.
Pinapayuhan ang lahat ng residente na manatiling alerto at laging makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kung may pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.