Broker na isinasangkot sa illegal drug trade sa Cavite kilala na

By Erwin Aguilon August 14, 2018 - 06:41 PM

Photo: Erwin Aguilon

Tukoy na ng Bureau of Customs ang broker ng shipment ng metallic lifters na sinasabing naglalaman ng shabu na natagpuan sa GMA, Cavite at sa Manila International Container Port (MICP).

Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs sinabi ni Customs Intelligence Chief Jeffrey Tacio na nakontak na nila ang broker na hindi muna nito pinangalanan.

Tumanggi anya ang broker sa anumang partisipasyon sa shipment ng shabu sa bansa.

Handa rin anya ang broker na makipagtulungan sa anumang imbestigasyon kaugnay sa pagpasok ng kargamento.

Sinabi nito, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kaugnay sa nasabing shipment.

Nagsimula na rin anya ang mga ito ng backtracking katulong ang PDEA para mabatid kung saan nanggaling ang nasabing shipment.

TAGS: Congress, drugs, lapeña, MICP, PDEA, Congress, drugs, lapeña, MICP, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.