Central London nasa full alert makaraang araruhin ng kotse ang ilang pedestrian

By Den Macaranas August 14, 2018 - 03:56 PM

AP

Marami ang naitalang sugatan makaraang araruhin ng isang kotse ang mga naglalakad sa labas ng Houses of Parliament sa Central London.

Sa ulat ng mga otoridad, naganap ang insidente pasado alas-siyete ng umaga oras sa London.

Kaagad namang naaresto ang driver ng kotse na responsable sa naturang insidente na ngayon ay iniimbestigan na ng London Metropolitan Police.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na sinadya ng hindi pa pinapangalanang suspek na banggain ang security barrier ng nasabing gusali kaya niya nasagasaan ang ilang mga tao.

Dahil sa naturang pangyayari ay kaagad na itinaas ang security alert sa lugar kasunod ng pansamantalang pagsasara sa kalapit na Westminster underground station.

Nagdagdag na rin ng mga tauhan ng pulisya sa mga matataong lugar kasunod ng naturang insidente.

TAGS: house of parliament, londo, police, security barrier, westminster, house of parliament, londo, police, security barrier, westminster

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.