Avilon Zoo, pinasok ng mga kawatan; endangered animals kabilang sa ninakaw
Napasok ng mga magnanakaw ang Avilon Zoo – ang pinakamalaking zoological institution sa bansa na matatagpuan sa Rodriguez, Rizal.
Sa post sa kanilang Facebook page kinumpirma ng pamunuan ng Avilon Zoo na maraming endangered animals ang natangay ng mga magnanakaw.
Kabilang sa mga ninakaw ang:
– tatlong mature Red-Footed Tortoise
– isang mature Yellow-Footed Tortoise
– isang mature Common Snapping Turtle
– tatlong mature Black Palm Cockatoos
– isang Brown Tufted Capuchin Monkey
Sinabi ng Avilon Zoo na lahat ng ninakaw na hayo ay bahagi ng kanilang Wild Care Conservation Breeding program dahil sa pagiging endangered.
Nanawagan naman ang Avilon Zoo sa publiko na kung sakaling magkaroon ng impormasyon hinggil sa mga ninakaw na hayop ay tumawag lamang sa 213-1062.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.