Nakataas na alarm warning sa Markina River, inalis na

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 14, 2018 - 08:56 AM

Tuluyan nang bumaba ang antas ng tubig sa Marikina River sa Marikina City.

Mula alas 12:50 ng madaling araw ng Martes (Aug. 14) inalis na ang umiiral na alarm warning sa ilog.

Ito ay makaraang bumaba na lang sa 14.9 meters ang water level sa Marikina River.

Alas 8:00 naman ng umaga, bumaba pa sa 14.3 meters na lamang ang antas ng tubig.

Naging tuluy-tuloy ang pagbaba ng water level dahil kakaunti na lamang din ang namomonitor na tubig ulan na bumababa mula sa kabundukan ng Rizal.

TAGS: marikina river, Radyo Inquirer, water level, weather, marikina river, Radyo Inquirer, water level, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.